Philippines
Melbourne, Australia
Auckland, New Zealand
MEMBERS LIVE FEED ONLINE

PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

View previous topic View next topic Go down

PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

Post  terry g. on Sun Mar 22, 2009 1:32 am

GUYS,Sorry di ako nakakuha ng lessons for first aid ,kaya di ko alam kung paano iruruscitate itong forum natin,si Toto busy sa exams niya -seryoso eh kayang kaya nya naman yun,siya pa.He can pass it with an **A** grade w/ his eyes closed.Pilipino pa eh kahit saan nageexcell academically ang mga Pinoy's.Anyway ba naman ,lahat ba naman eh tahimik,susss,Josss ko Day ano ba kayo uyyyy!Lahat nangingilin.Ako nga kahapon ,kasi fri.,the whole day banana's lang ang kinain,eh 2 jobs ako pag fri..Yun by 6:30 pm,nahihilo ako sa gutom,pasok ako ng pizza store ,viggies naman ang toppings ko,sus sumakit naman ang tummy ko -grabe.Di na ako uulit,di ko kayang maggive up ng food,syempre kailangan ko naman ng energy sa work,disoriented talaga ako.halos di ko matapos yung work ko.Paano kaya yung Muslims,nagpafasting sila the whole day ,from 6am to 6pm,ni water di pwede.Kaya yung friend ko ,ngeee,tuyot na after one month.Obliged sila na ganon.I give up ko na lang ang iba wag lang food,pag ganitong semana santa.O sige guys tuloy niyo inyong pagmumuni-muni at pagbubulay bulay.God Bless! Sleep

terry g.

Female
Number of posts : 205
Age : 61
Location : Queens,New York
country: :
Registration date : 2008-09-24

View user profile

Back to top Go down

Re: PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

Post  toto on Sun Mar 22, 2009 2:33 pm

Hello ate terry - just finished with my exams and ahmmm madali lang pala at baka maperfect ko pa hahaha magbuhat ba ng chair. Kaso this month eh nagwowork me ng 12 to 14hours tatlong beses sa isang linggo, kakapagod. Ng march20 pumasok ako ng 7.30am then lumabas ako 9.30 ng gabi, tapos the following day, pumasok ako ng 7am at lumabas ako ng 9.30pm... tapos ngayong sunday nagwork ulit me. hay ewan ko ba. Starting tomorrow until first week ng April eh la akong break alternate ang school at work. Kakapagod talaga.

toto

Number of posts : 98
Location : Melbourne, Australia
country: :
Registration date : 2008-09-21

View user profile

Back to top Go down

now you know

Post  terry g. on Sun Mar 22, 2009 5:28 pm

toto wrote:Hello ate terry - just finished with my exams and ahmmm madali lang pala at baka maperfect ko pa hahaha magbuhat ba ng chair. Kaso this month eh nagwowork me ng 12 to 14hours tatlong beses sa isang linggo, kakapagod. Ng march20 pumasok ako ng 7.30am then lumabas ako 9.30 ng gabi, tapos the following day, pumasok ako ng 7am at lumabas ako ng 9.30pm... tapos ngayong sunday nagwork ulit me. hay ewan ko ba. Starting tomorrow until first week ng April eh la akong break alternate ang school at work. Kakapagod talaga.
at least ngayon alam mo na ang value ng pera,kung paanong pag nasa shopping mood ka eh halos ayaw mong bumitaw sa pera,andon' yung question na"kailangan ko ba talaga ito",ito na yung time na nagiging malalim ka sa pananaw sa life,you took a lot of things for granted before-now mahalaga pala,ito pala ang totoong buhay.Good luck,and one thing nga pala ,tuwang tuwa si Ninong Narding na nagcha chat daw tayo.

terry g.

Female
Number of posts : 205
Age : 61
Location : Queens,New York
country: :
Registration date : 2008-09-24

View user profile

Back to top Go down

Re: PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

Post  chuie on Mon Mar 23, 2009 3:09 am

Hindi mo talaga nalalaman ang value ng HARD EARNED MONEY kung hindi ikaw ang naghihirap . Proud ka rin sa sarili mo di ba ??? Masarap ang feeling na nasabi mo sa sarili mo kaya ko pala at nagkakaroon ng direktion ang buhay natin.

GOODLUCK !!! KAYA MO YAN ...



P.S may friend ako dyan teacher sya sa atin , Nag PT naging classmate ko pumunta dyan nag asawa nagkaanak ng 2 nag aral ng nursing ngayon tapos na sya ..O diba ?? mas mahirap yon may mga anak pa sya at least ikaw wala kang iniisip sa ngayon sarili mo lang .Kaya DOBLENG KAYA YAN !!!

chuie

Number of posts : 148
Location : USA
country: :
Registration date : 2008-09-26

View user profile

Back to top Go down

Re: PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

Post  amethyst on Tue Mar 24, 2009 2:37 am

good luck toto! ay, abu...kahugod mag trabaho...bc ka gid...but i'm proud of you...

speaking of lent and the things you give up....
hambal it akon onga,according to their teacher na madre, puwede mo daw kainin yong food na ginib-ap mo pag sunday...hambal ko matuod bala ran? ...dahil pag sunday bay kuno hay gina celebrate naton ang eucharist...i don't know if it only applies to d kids.
hambal man it isa nga pari, you can make your own discretion daw...

hay basta ako ga enjoy ako it kaon it prito nga baog kag ginat-an kung fridays...hmm daw bukon it puasa....bawion na lang sa ibang bagay ah....

amethyst

Female
Number of posts : 133
Location : U.S.A.
country: :
Registration date : 2008-09-21

View user profile

Back to top Go down

Pangingilin at panahon ng pananamantala

Post  bea282 on Tue Mar 24, 2009 1:21 pm

Sa panahon ng kuwaresma, siguradong maraming tao ang pupunta ng grotto sa bulacan, simbahan ng antipolo, bundok banahaw atbp. para doon isagawa ang kanilang panata. Pangakong tinutupad dahil sa mga panahong nangailangan sila, nagkaroon ng kasagutang ang kanilang problema pagkatapos makapag simba.

Pero sa henerasyon ng kabataan ngayon, ano ang alam nila sa mga lugar na ito? Sa aking pananaw, ang mga kabataan ngayon ay sama samang naglalakad papunta sa mga lugar na ito hindi para mangilin kundi para makadalo sa isang ordinaryong hiking activity na kasama ang barkada. Isang panahon ng kasayahan at pagharap sa hamon ng kantyawan kung sino ang unang mapapagod o susuko sa paglalakad.

Pagkakataon din ito ng mga negosyanteng taasan ang kanyang panindang inumin at pagkain sa mga namamanata. Na kahit ang kanilang pribadong palikuran ay mapagkukunan ng pagkakakitaan mula sa barya baryang iaabot ng mga taong tinawag ng kalikasan.

Para naman sa mga masasamang loob na walang awang kukunin ang pag aari ng ibang tao, ang panahong ito ay isang magandang pagkakataon na samantalahing panghimasukan at limasin ang bahay ng mga nasa bakasyon. Ang magandang oportunidad daw na mang agaw ng cellphone ng mananampalataya, at paglaslas sa bulsa o bag para makuha ang pitaka ng iba dahil sa siksikan.

Sa kabila ng mabuting intensyon ng mga nananalig, hindi natitinag ang mga mapagsamantala.

Kesa sa sumabak sa initan, mapagod sa paglalakad sa kalagitnaan ng maraming taong bumabyahe patungo sa mga pook pananampalataya, at makakita ng eksenang masakit sa mata, mas gugustuin ko pang tumigil sa bahay at manahimik dahil para sa akin, ang pangingilin ay walang pinipiling lugar at panahon dahil ang Maykapal ang nakakaalam ng nilalaman ng ating isip at damdamin nasa loob o labas ka man ng kanyang tahanan.
Very Happy

bea282

Female
Number of posts : 124
Age : 39
Location : las piñas
Registration date : 2008-09-22

View user profile

Back to top Go down

Re: PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

Post  toto on Tue Mar 24, 2009 7:38 pm

.... the bishop of italy actually calls for a lent without texting, pero marami ang nagreact....

...............hay tuod ta ran, daw nakonsensya lon gani ako maggastos it kwarta kung di rin lang man kailangan kay osyan nakun nga pinaghirapan ko talaga ang pera......pero ang obsession ko lang ngayon ewan ko ba halos everyweek bumibili me ng shoes at halos lahat di ko pa naisusuot, ngayong week lang 3 beses akong bumili.....buti di ko na kinuha iyong nakita ko kanina....... iyon lang kasi ang pakunswelo ko sa sarili ko eh................................

toto

Number of posts : 98
Location : Melbourne, Australia
country: :
Registration date : 2008-09-21

View user profile

Back to top Go down

Re: PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

Post  bea282 on Wed Mar 25, 2009 8:58 am

toto wrote:.... the bishop of italy actually calls for a lent without texting, pero marami ang nagreact....

...............hay tuod ta ran, daw nakonsensya lon gani ako maggastos it kwarta kung di rin lang man kailangan kay osyan nakun nga pinaghirapan ko talaga ang pera......pero ang obsession ko lang ngayon ewan ko ba halos everyweek bumibili me ng shoes at halos lahat di ko pa naisusuot, ngayong week lang 3 beses akong bumili.....buti di ko na kinuha iyong nakita ko kanina....... iyon lang kasi ang pakunswelo ko sa sarili ko eh................................

Pag-uwi mo sa alcantara, ipamahagi sa nangangailangan hehehehehe

bea282

Female
Number of posts : 124
Age : 39
Location : las piñas
Registration date : 2008-09-22

View user profile

Back to top Go down

Re: PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

Post  chuie on Thu Mar 26, 2009 2:06 am

Don't be too hard to your self . Ganyan din ako minsan pag may nagustuhan ako 2-3 iba ibang kulay lang . Minsan dumadating yan sa atin lalo na work ka ng work parang outlet mo ba ... Pagkatapos nyan parang ok ka na .. Minsan if feels good diba ??? Sabi nga nila pay yourself first.

chuie

Number of posts : 148
Location : USA
country: :
Registration date : 2008-09-26

View user profile

Back to top Go down

Re: PANAHON NG PAGMUMUNI-MUNI

Post  Sponsored content Today at 12:46 am


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum